Jan 2005

bahay-bahayan

by missP on Sun Jan 23, 2005 12:58 pm
Ito ba ay dala ng murang pintura o uso talaga dito ang mga bahay na ganito ang kulay?


permalink | comments (2)
May ganito din sa Europa

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:00 pm
Noong isang araw, habang naglalakad kami ng mister ko, may nakita po akong septik tank na naka litaw, tulad nito:



Sino naman po ang mag aakalang meron nito dito sa Alemanya!?! Maiintindihan ko pa kung sa pangatlong daigdig matatagpuan ang mga ganitong litrato. Pero dito, kung saan dapat ay malinis at kaaya-aya ang mga kapaligiran, eto ay malaking kababalaghan.

permalink | comments (2)
Kung ibabalik niya lang sana

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:03 pm
Naghalungkat ako ng mga vcds ko at hinahanap ko ang aking mga tagalog films. Nainis lang ako dahil inabot ako ng siyam-siyam sa paghahanap. Natagpuan ko din naman ang iba, pero may mga ilan akong vcds na nawawala. Palagay ko ay iyun yung mga pinahiram ko na hindi na sina uli ng humiram. Kainis talaga! Nag magandang loob na nga ako, inabuso pa! Haaay! Sirain ko ba ang araw ko dahil sa isang taong walang modo at hindi man lang isinauli ang mga vcds na pinahiram ko? Kasama na rin dito ang ilan pang mga gamit ko. Ang kapal naman talaga ng mukha niya!!!

permalink | comments (1)
party-han na!

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:04 pm
May party ang opisina namin. Akshuli dalawa, isang unofficial na gaganapin bukas, ika 14 ng Disyembre sa Fivetraxx disco house sa Frankfurt. Imbitado dito lahat, pati mga asawa, nobya or nobya at kaibigan na rin. May libreng pagkain at inumin at lahat naman ng mga dating kasamahan din namin sa trabaho ay imbitado din. Masaya ito, kasi sa kauna-unahang pagkakataon ay mag kakasama ang mga luma at bagong empleyado ng aming kompanya. Nagkaroon kasi ng medyo kaunting hidwaan kaugnay sa mga ito. Sana ay maayos na ang lahat kasi pasko na. Dapat wala ng hidwaan at tampuhan at siraan. Asus! para namin kasing mga batang paslit!

Ang pangalawang party naman gaganapin naman sa OffBlock Bar & Restaurant sa may Offenbach sa ika 16 ng Disyembre. Ito naman ang opisyal na party na kompanya. Sa narinig ko, hindi puwedeng magsama ng taga labas dito. Malas naman!

permalink | comments (3)
Di ako Dumalo

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:05 pm
Maaga ako umuwi ng bahay ngayon. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Dala na siguro ito ng pagod at masamang panahon. Sayang, gustuhin ko man sanang dumalo sa party ng aking mga kasamahan ay hindi rin maari dahil maaga na naman ang pasok ko kinbukasan.

Sa ngayon, malamang nagkakasiyahan na sila doon! HUwaaaaH! inggit ako!

permalink | comments (3)
Si Friend talaga

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:05 pm
Natapos ako ng maaga sa trabaho ngayon at dahil na rin sa balak kong pumunta sa party bukas, ay dumaan ako sa city para maghanap ng katernong blouse na aking pantalon na isusoot ko sa party. Kasama ko si Friend ko na mamimili din ng kanyang "do" para sa party.

Grabe, ang hirap talagang mamili pag kapos na sa oras. Inabot ako ng 2 oras bago ako nakahanap ng gusto ko. Mabuti naman at meron silang sukat at kulay na gusto. Dalawa pa nga ang kinuha ko. Baka sakaling magamit ko ang isa pang new year's eve party. At least may nakahanda na ako.

Ang naging problema lang ay ang kasama ko. Kung matagal akong pummili ay mas triple naman sa hirap ng aabutin sa kanya ng kasama niya sa pagsha-shopping. Sa huling tatlong tindahan na pinunthahan namin, wala pa rin siyang nahanap. Nag decision na ako para sa kanya, na gamitin niya na lang ang ekstra na blouse na binili ko. Puwede din namang ipares iyon sa pantalon niya. Umiling, ibig sabihin di niya type! Oh well, ano pa nga ba ang magagawa ko?

Umikot ulit kami at sa wakas ay may nahanap na siya. Binayaran niya ang blouse at pagka labas namin ng tindahan ay tinanong ko siya kung masaya ba siya sa nabili niya. Sagutin ba naman ako ng "hindi". Ay patay! Sabi ko sa kanya na bumalik kami at maghanap na lang siya ng iba...subalit ayaw niya na. Pagod na rin daw siya at saka, magsasara na rin ang mga tindahan. Wala na kaming ibang mapupuntahan.

Sinabi ko na lang sa kanya, bahala siya. Siya naman ang nag decision na biilhin yun at hindi niya rin naman kasi type ang mga sina suggest ko sa kanya. Ah, ewan. Bahala na. Basta ako pagod na at gusto ko nang umuwi ng bahay at mag pahinga. May oras pa naman siya bukas ng umaga kung gusto niya pang papalitan iyung nabili niya, siya na lang paalala ko sa kanya.

permalink | comments (3)
Yug-yugan na!

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:07 pm
Nanalo ako sa party namin (kagabi) sa raffle ng isang set ng Calvin Klein perfume, okay na siya! Masaya naman ang party namin. May inimbitahan pala ang organizer ng party namin na mga Brazilian dancers. Hanep sa katawan ang mga gerlash!
At naku, sa suot nila, ewan ko na lang kung hindi sila nagkasakit pagkatapos ng party namin. Sayang kasi, hindi ako nagdala ng digicam kaya sinubukan ko rin kumuha ng mga litrato sa aking handy. Ito sila:





Ang party ay ginanap sa OffBlock Bar sa may Offenbach am Main. Kakaaliw, kasi sa sobrang saya at ingay namin, may mga pulis na dumating. Masyado daw maingay at may nag reklamo daw na kapitbahay. Hello?! Ganun pala dito? Eh, unang-una, commercial place naman yun at ang nakapaligid na kapitbahay ay opisina. Kakaiba talaga!

Umulan ng inumin at pagkain. Kung hindi nga lang ba ako mag mamaneho pauwi ay tiyak nalasing na ako nung gabing iyon. May mga ina-nounce na good news ang aming kataas-taasan at kagalang-galang na pinuno, ngekk!! Mabuti naman at naisipan niyang ipaalam sa mga empleyado iyon. Kahit papaano ay makakatulong iyon sa pag boost ng morale naming lahat.

permalink | comments (1)
May sakit ako

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:11 pm
Umuwi ako kagabi ng masamang-masama ang pakiramdam. Mabuti na lang at napa kiusapan ko ang aking supervisor na pauwiin ako ng maaga. Pumayag naman siya at sinabi niya na lang sa akin na magpagaling daw ako. Kung puwede lang kasi sana, ay huwag kami mag sick leave. Marami kasing naka bakasyon sa mga kasamahan ko sa trabaho at marami na rin ang tumawag na may sakit sila at hindi makaka pasok sa trabaho. Kaya naman, kulang na kulang kami sa manpower ngayon. Haaayyyy! Buhay nga naman, hanap patay yata itong ginagawa namin at hindi hanap buhay!

Balak kong mag punta ngayon sa docktor, pero tinatan-tsa ko pa ang aking nararamdaman. Baka naman kasi bigla na lang akong matumba sa daan, sa sama ng pakiramdam. Kagabi kasi ang lagnat ko ay umabot na sa 39.44 degrees celcius. Ngayon umaga, medyo wala na akong lagnat pero masakit ang ulo at lalamunan ko. Dagdag pa riyan ang sakit ng mga buto-buto at kasu-kasuan ko. Ano kaya itong sakit ko? Pero, ang isa ko pang iniisip ay kung masasabi naman kaya sa akin ng doktor kung ano ang sakit ko. Madalas kasi, mauubusan na ako ng dugo kaka blood test nila sa akin, pero hindi naman nila masabi kung ano talaga ang sakit ko. Kaya nga ba wala akong tiwala sa mga dokto dito. SAbi nila "best doctors in the world" daw ang mga doktor na Aleman. HAnggang ngayon naman di ko pa ito napapatunayan, kaya mahirap paniwalaan!

permalink | comments (1)
Sabi ng Doktor

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:12 pm
Nitong mga huling araw nga ay hindi masyado maganda ang pakiramdam ko, kaya kaninang umaga ay talaga namang nag lakas loob na akong pumunta sa aking doktor upang malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Baka naman kasi medyo "tamadaytis" lang o di naman kaya ay "lungkotaytis"...kasi nga di vah, tag lamig na. Madalas na ngayon umiiral ang mga sakit-sakit na dala lamang ng imahinasyon lang. Sa maikling salita, may topak lang!

Pag dating ko sa opisina ng doktor, ibinigay ko na agad ang aking mediker kard at naupo na ako sa silid palipasan ng oras. Nilabas ko ang aking krossword na nabili ko pa sa Pilipinas nitong huli kong uwi, subalit hanggang ngayon ay wala pa akong nabubuo o natapos man lang. Lintik, mahina na talaga ang utak ko. Dapat talaga yata ay mag ka-kain ako ng pud por da breyn, tulad ng mani, pero bawal naman ito sa akin dahil mataas ang uric acid ko; tsokolate na malakas maka pagpa pimpols sa mukha ko. Pero teka, totoo naman kaya ang mga kasabihang ito? Hmmmp! maka balik na nga lang sa kuwento ko. Naliligaw na naman kasi ako ng landas.

HIndi naman ako masyadong nagtagal sa loob ng silid na iyon. Maya-maya lang ay tinawag na ako ng doktor. Pagka upo ko sa loob ng kuwarto niya, tinanong niya agad kung ano ba ang nararamdaman ko. Eh di, sinabi ko namang lahat. Masakit ang lalamunan ko, Doktor (na malamang dahil lang sa kaka praktis kong mag-vocalization sa kotse habang nag mamaneho ako papasok sa trabaho at pauwi ng bahay), nitong huling araw mainit ang katawan ko at umaabot sa 39 degress ang temperatura ko at nananakit ang buong katawan ko. Nanghihina ako palagi at ang ubo at sipon ko ay hindi nawawala. Ano ba ang nangyayari sa akin doktor?

Aba misis, hindi ko pa rin alam yan. Teka, i ba-blood test ka namin at tapos bukas ay bibigyan kita ng skedyul para magpa x-ray.

permalink | comments (4)
La lang

by missP on Sun Jan 23, 2005 1:14 pm
Ngayon araw na ito, medyo magaling na ako. Hindi ko ba naman kasi tinan-tanan ang aspirin at amoxicillin ko na galing pang Pilipinas. Maya't-maya ang inom ko para gumaling na ako. Isa kasi sa hindi ko gustong pakiramdam ang nanghihina. Mabuti pang nerbiyosin lna lang ako ng todo, kaya ko pa yun. Ayoko ko rin nang pakiramdaman ng naduduwal at lalo namang hindi ko type ang pakiramdam na natatakot. Kainis! Bakit ba kasi may iba't-ibang emosyon ang tao? Hehehehe...wala lang akong makuwento ngayon. Kaya eto, kung anu-ano ang sinusulat kong walang saysay.

Akshuli, madami akong dapat gawin ngayon. Kaya nga pinilit kong gumaling na ako, para maka kilos na ako sa mga gawaing bahay at pag e-empake ng mga dadalhin namin papuntang Brussels, Belgium.



Sila ang pupuntahan ko, mga pamangkin kong sina Duday at Mat-Mat.

Doon kami magpa-pasko at sa magulang naman ni ML ko kami magba-bagong taon. Kaya lang, hindi ako makakasama nitong huli. Hindi na ako puwedeng mawala ng masayadong matagal sa trabaho. Kaya hiwalay kami ni ML ko ngayong pag pasok ng bagong taon. Kainis noh?! Kaya lang wala naman kaming magawa. Di bale, baka puwede naman akong maki bagong taon sa kasamahan ko sa trabaho. Marami kasi kaming overtime sa araw na iyon. Sana ay mag handa naman ang kumpanya namin ng kahit champagne man lang, pang toast sa pag pasok ng bagong taon, hahhaha, ang babaw ng problema ko.

Sige na nga. Iwan ko muna ikaw kaibigan ko. Babalik naman ako maya-maya lang ulit.

permalink | comments (1)
teka nga..

by Iza on Sun Jan 23, 2005 1:16 pm
teka nga..
pagpasensyahan nyo na ako at simula pa lang to..
may sakit pa ako kaya medyo la ako masyadong lakas na magsulat..
nahawa kasi ako kay miss p. nung pumunta sya dito sa belgium..
sarap pala dito..
sana magaling na ako..
maligayang pasko sa inyong lahat at manigong bagong taon!

permalink | comments (3)
bagong taon...bagong paligo

by Ponggay on Sun Jan 23, 2005 1:17 pm
hehehehehe...bagong taon...nakaligo na naman ako...sarap talaga ng feeling. dapt talaga maligo pag pasok ng bagong taon. this way, magaan ang pakiramdam niyo, natanggal lahat ng "kaligugot" na nakuha the year before. samahan niyo na rin ng pagbihis ng mga polka dots na "duster". hmmmm...teka nga..nakapag suot nga ba ako ng polka dots???ayaayyy!!! di bale na...nakapagbilang naman yata ako ng mga barya ko o natulog lang ako???ngeee..teka nga, nalasing yata ako masyado nun...di ko na maalala.hahahahaha.basta tanongin niyo si miss p, mas maganda ang pasok ng grasya sa bagong taon pag nakaligo kayo...hahahahaha...da best pa rin ang pagligo...di ba miss feng shui??

permalink | comments (3)
Mga Karatula sa EDSA

by missP on Mon Jan 24, 2005 11:03 am
Nitong huling biyahe ng mister ko pauwi sa Pilipinas, hindi na ako nakasama. Medyo sandali lang kasi ito at may kinalaman sa trabaho. Hindi naman siya nakalimot mag dala sa akin ng mga bagay-bagay na madalas hinahanap-hanap ko dito sa bansa ng mga Aleman. Nangunguna na siyempre ang ilang mga klase ng gamot at pinatuyong manga. Siyempre, hindi niya rin nakalimutan na dalhan ako dito ng tuyo at daing.

Kasama na rin dito ang mga litrato ng mga mahal ko sa buhay na kanyang dinalaw o binisita noong nandoon pa siya. Simula kasi nang lumipat kami sa Paranaque, medyo ang pag dalaw sa aking mga kamag-anakan sa Quezon City ay medyo nagiging ekskursiyon na namin. Sa haba ba naman nang tatahakin mong kalsada na humigit kalahati nito ay palaging barado na trapiko hindi man lang umuusad ay talagang kulang ang 8 oras na ilalaan para sa pagbisita lamang. Kahit na ba meron nang MRT ay hindi par in ito sapat na kasagutan sa problemang pan trapiko ng ating bayan.

Pero, meron din namang nakakaaliw sa pag lalakbay na ito. Noong unang biyahe niya sa kahabaan ng EDSA ay kumuha siya ng ilang mga litrato nang mga nakatayong mga plakard na matatgpuan dito. Aliw na aliw naman akong tingnan sila. Parang pakiwari ko ay talagang nandoon lang ako sa ating sariling bayan at nasa loob lang ako nang bahay kaya hindi ko nakikita ang mga karatulang ito. Pero habang pinapanood ko sila, halos parang naririnig ko na rin ang ingay ng trapiko at nalalanghap ko na rin ang usok na binubuga ng mga bus at ibang pang sasakyan sa kapaligiran ko.











Haaayyyy! Nami-miss ko na namang muli ang aking bayan.

permalink | comments (14)
malamig dito pag winter

by Iza on Wed Jan 26, 2005 7:05 pm
(Di pa to final)......Nagsisimula palang ang pagpasok ng winter, e talaga namang mararamdamam mo na ang lamig ng simoy ng hangin. Rolling Eyes tuloy kami dito ay laging nagkakatrangkaso sa lamig. Aba,di ata masarap ang laging umiinom ng gamot!!!!

permalink | comments (5)
PEP-ANGEBOT

by missP on Fri Jan 28, 2005 10:21 am
Kasabay kong umuwi kagabi ang kasamahan ko sa trabaho. Pilipino din at medyo matagal nang hindi nakaka uwi sa ating Inang Bayan. Nabanggit ko tuloy sa kanya na meron akong nakita "angebot" o "special offer" para sa mga nagta-trabaho sa airport. Bihira itong mga pagkakataon na ganito kaya kung gusto ng empleyado, kahit 2 linggo lang na bakasyon, kinakagat nila ang mga ganitong promosyon ng mga airline.

Ang isang roundtrip tiket papuntang Maynila ay mabibili sa halagang 250 Euro (Economy) lamang. Kung gusto namang lumipad ng business class, sa halagang 750 Euro ay mas komportable ang lipad mo. Kaya lang, kailangan mabili na ang tiket mula sa ika 10 ng Enero hanggang ika 10 ng Marso. Kailangan din na ang lipad pabalik dito sa Alemanlandiya ay pinakahuli na ang ika 20 ng Marso.

Tuwang-tuwa naman ang kasamahan ko. Gusto niyang mag pa book na agad ng ticket.

C1: Ateng, paki pa book naman ako.
ME: oo ba, pero komporme ka na ba sa mga kondisyon? Kelan mo bang gusto lumipad?
C1: Okay na yun. Kailangan Marso nasa Pinas na ako. Graduation ng anak kong babae. Pero pwede kayang ang date ay ipa-adjust?
ME: Anong ibig mong sabihin?
C1: Ipakiusap o itanong mo naman kung pwedeng Abril na ang balik? Kasi alanganin ang Marso 20 sa graduation ng anak ko.
ME: di pwuede yun, ateng. kasi promotion nga lang yan. di ka nga pwedeng lumagpas sa mga dates na ibinigay nila.
C1: (pabulyaw na nagsalita) ... eto naman, kung ayaw mong magtanong, eh, di ako na lang.
ME: ngekkk!

permalink | comments (1)