Feb 2005

Muni-minu

by missP on Fri Feb 11, 2005 10:40 am
nung isang araw, nai-install ko na ang Skype sa computer ko at pilit ko namang ipa-install iyun sa aking mga sisters. okay kasi siya. mas maganda ang quality pag nag audio-conference. super malinaw at walang kaingay-ingay na maririnig. hindi katulad ng sa yahoo at msn, minsan putol-putol pa ang pag uusap namin. lalo na kapag apat o lima na ang kasali sa audio conference. hindi na nagka-karinigan. mahilig pa man din kami ng sisters at mga kamag-anakan sa PIlipinas na mag chat online. kadalasan weekends. walang tigil. matira matibay ang motto, heheheheh.
la lang.... wink

permalink | comments (5)