Nov 2008

Nag re review daw ako...

by missP on Mon Nov 17, 2008 12:31 pm
Sus, sa tagal ng pag dalaw ko dito, inaamag na itong blog ko. Magpapasko na naman ulit, pero hindi ko pa rin ito naasikaso. I just realized that I haven't been to this site for more than a year now. As in naman! My plans to make this site an income generating one never really materialized, obviously. I simply don't have the time. How I wish there are 36 hours in a day para mas madami ako ma accomplish. But then again, where would I get the energy to last that long? Hayy, people! Hindi na talaga na kontento!

Actually, ngayong araw na ito, dapat talaga ay nag re review ako kasi meron akong exam sa linggong ito. Ito yung yearly training at exam na required sa aming trabaho. Pero, dahil ako nga ay ako, naisip ko muna na mag relax-relax bago mag simulang mag review. Kaya naupo muna ako sa harap ng comp ko. At bagamat wala naman akong balak mag blog, napdpad pa din ako sa site ko. Ngekkk...So i'm here again. Sitting in front of my pc. Thinking of something creative to do with this expensive but undeveloped hobby. Kaso, wala naman pumapasok sa utak ko. I think I'm missing my MUSE this time again. Hehehe... she probably went shopping.

Ahh, yes, ito na siya: nagbalik kasama ang mga image na ito. Maganda daw ito at dapat pag trabahuhan ko, sabi ng Muse ko... ahemmmm...



Ang kulay balat ay mura na, kasi medyo naunang lumabas ang desenyo na ito ng GUCCI. Naghahalaga na lang ito ng 595. Ito namang kulay puti ay bagong labas na desenyo kaya medyo mas mahal. Naghahalaga naman ito ng 950. Palagay niyo, bigyan kaya ako ni Santa nito ngayong pasko?

Nako! Mag review na nga ako. Tanghali na at hindi ko pa nasisimulan basahin ang notes ko.

permalink | comments (5)