Pitong Kanta-ta

by missP on Mon Oct 09, 2006 5:10 pm
Magtala ng pitong kanta ng kahit anong "genre". Ito dapat ay mga kantang kina gigiliwan sa kasalukuyan, at pag katapos ay i latha ito sa inyong blog/Livejournal. Pati ang pitong kanta:

Eto naman po ang mga paborito ko sa kasalukuyan, ngunit ang kanta ay hindi ko po maisasama.

Don't Cha! - obvious ba? Sa blog ko, siyempre, may video pa ako nito. Kasi, sa totoo lang, may pangarap po akong pumayat katulad ng grupo na ito. Parang di na yata sila luma lafang - judging from their bodies. Pero, shet! Ingjit ako. bash

Total Eclipse of the Heart na palagi ko pong ene ensayo sa sing along pero, siyempre dahil nag iisa ako kumakanta at walang ka duet, ang labas po eh, maka basag eardrums lang. Sori nalang sa mga kapit-badjings ko! blackteeth blackteeth

Somethin' Stupid na version po ni Nicole Kidmann at Robbie Williams... shet... feeling ko pag naririnig ko iang kanta na ito, ang sexy ko! Wink Wink

Both Sides Now Talagang tamang senti ako dito. Yung tipong, walking along da tabing dagat ka, at feel mo nang magpaka lunod ba... hehehehe bif bif

Saan Na Nga Ba'ng Barkada Isa sa mga paborito ko na galing sa APO Hiking Society ... na tamang rememberng naman po ako.. sa aking kabataan days. Para yatang ang tagal-tagal na nun! bagged bagged

Spaghetti Song ng Sexbomb Girls ... ito naman po ang pina pa tugtog ko habang ako ay nag hu-hula hoop sa aming sala. May naka pag sabi kasi sa akin na nakaka liit daw ng baywang ang hula hoop....eh, baka lang naman kasi habang nakikinig ako sa kanta na ito... naiisip ko ang kabuluhan ng pagpapaka hirap ko. bingo bingo

These Boots are made for Walkin' Ang walang kamatayang kanta ni Nancy Sinatra... gosh...kung sana kaya ko lang i interpret nang maayos ang kanta niya blush blush

permalink | comments (3)
previous | first | next