minsan, ganito ang mahal ko!

by missP on Fri Jun 17, 2005 2:48 pm
Kahapon, habang nag lilinis kami ng garahe, naalala ko ang mga gamit pang linis ng kotse na binili ko nung nakaraang marso…(Oy, sobra ka, taong 2005 naman!) Binanggit ko ito sa aking kabiyak at na suggest ko nga na iwanan na lang ang mga ito sa trunk ng kanyang kotse.

Ako: Mahal, gusto mo bang ilagay ko sa trunk ng kotse mo ang nabili kong car-cleaning set ?

Hubby: Ikaw ang bahala. Palagay mo ba dapat nasa kotse yun palagi?


Ako: Mahal, alam mo ba ang tinutukoy ko? Magaan lang siya. Pang dusting lang, sakaling mag papa car wash ka, pwede mong gamitin yun pagkatapos mong na vacuum ang loob ng kotse. Hindi yung mabigat na isang kahon ng cleaning products na binili mo…

Hubby: OO alam ko.. ikaw na ang bahala. Kung sa palagay mo…eh di sige… pero, talaga mahal…hindi na necessary …


Ako: Palagay ko di mo na tanada, mahal ang tinutukoy ko... teka kunin ko nalang at ipapakita ko sa iyo.

Hubby: Alam ko ang tinutukoy mo mahal, hindi naman ako bobo…huwag mo nang kunin. Di mo na kailangan ipakita pa sa akin.


Ako: o, sige…teka bababa na muna ako at check ko labada ko.

Pagbalik ko sa garahe, binitbit ko na rin ang car-cleaning set na tinutukoy ko at ipinakita ko ito sa aking mahal na asawa.

Hubby: (Nang makita niya) Okay itong set na ito ahh..akin na lang. Lagay mo sa kotse ko. Bumili ka na lang ulit ng para sa kotse mo!

Ngekkkk!
nakakatawa tlga kayong dalawa..

by Iza on Fri Jun 17, 2005 3:12 pm
hay naku day!! alam mo namang laging gusto ng mahal mo ang pinipilit sya e, kasi dun nya nakikitang naglalambing ka sa kanya,hahahaha....
e di ibigay langmo na nga lang at bumili ka ng parasa yo na bago.. ano pla yung iba nyang tinutukoy?kala nya siguro lumang luma na yung sinasabi mo,hahahaha!!!

o sya day, pagbutihin nyong maglinis ng mga kotse nyo palagi.
ihalik mo nalang ako sa mahal mo..

sa muling pag uusap nalang..paalam

Leave a quick comment


or post your reply in the Blog-Forum.