Main | Dumaan si Santa Claus »

December 01, 2004

Mga palamuti tuwing pasko

Disyembre na. Ilang araw na lang ay mag papasko na namang muli. Kapansin-pansin na namang muli ang mga kumukutitap na christams lights sa mag bintana ng bawat bahay, sa balkon at sa mga hardin. Anjang may mga ilaw na iba't-ibang kulay, may dancing lights din at mga anghel at snowman sa harap ng bahay nila at sa mga hardin. Maririnig na rin ang mga christmas carols sa radyo at mga malls.


dapitan191a.jpg
Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay pasko
Tayo ay mag bigayan
Ngayon ay pasko
Tayo ay magmahalan....

Dito sa Alemanlandiya tuwing pasko ay nagpupuntahan sa tinatawag nilang bantog na "Weinachtsmarkt". Halos lahat ng siyudad dito sa alemanya, maliit man o malaki, ay may kanya-kanyang araw ng pag kakaroon ng "Weinachtsmarkt" or "Christmas Market" o sa Tagalog, "Tiangge". Dito ay makakabili ka nang kung anu-anong abubot mula mga dekorasyon sa bahay, gamit sa katawan, kandila, mga kendi, keyk at kung anu-ano pa. Hindi siyempre nawawala ang "Glühwein". Ito ay inuming mainit gawa sa wine o vino at popular na popular sa buong mundo. Ewan ko kung bakit, dahil nang matikman ko ito, wala namang kaka ibang lasa ito bukod sa lasang vino pa rin, mapakla, manamis-tamis yun nga lang mainit siya.


Posted by missP at December 1, 2004 10:33 AM