Main | July 2004

June 20, 2004

unanswered questions

"bakit ang balahibo walang split ends?"

"bakit karamihan ng tao gusto pumunta ng langit...pero karamihan takot mamatay?"

"ang pipi kaya ay humuhilik?"

"bakit kaya ang palad hindi umiitim kahit gaano mo katagal ito paarawan?"

"umiiyak kaya ang sanggol habang nasa loob ng sinapupunan?"

"posible kayang magkabalakubak ang kalbo?"

"ang sign language ba ay may english at tagalog din?"

"pwede bang umiyak sa ilalim ng tubig?"

"pano nilalabas ni darna ang bato na nilunok niya?"

"bakit ang mga bilog na pizza nasa square na box?"

"nakikita kaya ng bulag ang kanyang hinaharap?"

"kung ikaw ay wanted at may reward na 1million...pag sumuko ka ba makukuha mo yung pera?"

"bakit ang beer meron sa lata...ang alak wala?"

"pag ang taong putol ang isang kamay ay nagpamanicure...buo pa rin ba ang bayad niya?"

"pag ang langgam ba namatay nilalanggam din ito?"

"pag nde ka ba nagbayad sa kumadronang nagpaanak sa asawa mo..isosoli niya ba ulit ang bata sa
sinapupunan ng asawa mo?"

"pwede bang umutot at dumighay ng sabay?"

"bakit kaya hindi pwede magpuyat sa umaga?"

"pag sinabi bang 'bakit amoy araw ka?', ibig bang sabihin nun naaamoy ang araw?"

Posted by missP at 12:15 PM | Comments (0)