« Sabi ng Doktor | Main | teka nga.. »

December 23, 2004

La Lang

Ngayon araw na ito, medyo magaling na ako. Hindi ko ba naman kasi tinan-tanan ang aspirin at amoxicillin ko na galing pang Pilipinas. Maya't-maya ang inom ko para gumaling na ako. Isa kasi sa hindi ko gustong pakiramdam ang nanghihina. Mabuti pang nerbiyosin lna lang ako ng todo, kaya ko pa yun. Ayoko ko rin nang pakiramdaman ng naduduwal at lalo namang hindi ko type ang pakiramdam na natatakot. Kainis! Bakit ba kasi may iba't-ibang emosyon ang tao? Hehehehe...wala lang akong makuwento ngayon. Kaya eto, kung anu-ano ang sinusulat kong walang saysay.

Akshuli, madami akong dapat gawin ngayon. Kaya nga pinilit kong gumaling na ako, para maka kilos na ako sa mga gawaing bahay at pag e-empake ng mga dadalhin namin papuntang Brussels, Belgium.

iviewcapture_date_21_11_2004_time_12_55_51.jpg
Sila ang pupuntahan ko, mga pamangkin kong sina Duday at Mat-Mat.

Doon kami magpa-pasko at sa magulang naman ni ML ko kami magba-bagong taon. Kaya lang, hindi ako makakasama nitong huli. Hindi na ako puwedeng mawala ng masayadong matagal sa trabaho. Kaya hiwalay kami ni ML ko ngayong pag pasok ng bagong taon. Kainis noh?! Kaya lang wala naman kaming magawa. Di bale, baka puwede naman akong maki bagong taon sa kasamahan ko sa trabaho. Marami kasi kaming overtime sa araw na iyon. Sana ay mag handa naman ang kumpanya namin ng kahit champagne man lang, pang toast sa pag pasok ng bagong taon, hahhaha, ang babaw ng problema ko.

Sige na nga. Iwan ko muna ikaw kaibigan ko. Babalik naman ako maya-maya lang ulit.

Posted by missP at December 23, 2004 09:56 AM